Daig ko pa ang isang kuting na nanginginig lakbaying mag-isa ang isang napakalaking iskinita na sa totoo lang ay maliit lang naman talaga kaso maraming tao at umuulan nang malakas. Kung kayo kaya yung kuting, anong mararamdaman niyo pag ganun? In short, takot ako. Ang haba-haba pa nung sinabi ko no? Takoot ako dahil ito ay bago para sa mga nakakakilala sa akin at sa mga masugid na tagasubaybay ng aking blog: NAGTATAGALOG AKO! Oh no. Never ko tong ginawa dati. Ang hina-hina ko pagdating sa ating sariling wika pero susubukan ko parin ‘to. ‘Wag niyo kong pagtawanan. Maraming mga salita siguro dito ang mali ang baybay at siguro andaming mali in terms of Filipino grammar, pero kapit lang. Brokenhearted ako. Kaya ko sinusulat to.
Andaming
nagtatanong sa akin kung saan ko raw nakilala yung SS ko. Alam niyo yung SS?
Hindi Social Security, hindi School Stuff, hindi Schutzstaffel – yung Army ni
Hitler. Wag niyo kong lokohin. Di niyo talaga yan alam? Haha. Di rin yan yung
initials niya. Asa ka pa. Significant Someone yan. Term para dun sa taong
significant sa buhay mo. May klasmet ako nung college na kinukulit ako kung
sino daw yung SS ko pero ayaw ko talagang sabihin eh. I want to keep things
private. Gusto kong pribado yung identity niya. Sa sobrang kulit nung klasmet
ko, naisipan ko dating magsinungaling sa kanya at sabihing na-meet ko yung SS
ko sa isang super-duper secret gathering ng mga dakilang wattpad readers.
HAHAHA. Tawang-tawa ako sa idea na yun. Di naman ako nagbabasa ng wattpad at
naiinis ako dun sa mga teenage at highschoolers na kulang na lang ay sambahin
ang wattpad. Pero yun ang unang sumagi sa isip ko kasi nasa bookstore ako nun
at nakita ko yung isang gang ng mga studyanteng mistulang may audition sa PBB
sa dami ng nakaharap sa stall ng wattpad books. Mabuti nalang di ko tinuloy
yung pagsisinungaling ko sa klasmet ko, baka ano pang isipin nun. And I’m
naturally honest talaga. Pramis. Haha.
Kahit na
napakapribado nang relasyon namin, masasabi ko namang ang SS ang nagpadama sa
akin ng bagong definition ng pagmamahal. Hep hep. Teka lang, ang OA pakinggan,
parang high school all over again, sh*t, 23 na ako, ano ba ‘tong mga
pinagsasabi ko. Hahaha. Andami kasi naming na-build together. Bahay, classrooms
at mga simbahan. Hahaha. Joke lang. We’ve built our lives around each other. We
talked about a lot of things. We stayed late at night, nagtetext, nagtatawagan,
o nagPPM sa FB. We sang the same songs. Akala ko ako ang artista, dapat pala
pinasali ko siya sa The Voice. Mas maganda ata yung version niya ng Thinking
Out Loud kaysa kay Ed Sheeran. Di yan overstatement. Syempre, mas nararamdaman
ko yung kanta pag siya yung kumakanta kasi para sa akin niya kinakanta. Kaya
naman yun ang naging theme song namin.
Pero naghiwalay
na kami. Nakakaschock ba? Ayoko nang ikwento yung nangyari. Basta ang gago ko.
Period. Di ko alam kung nasakal ko na ba siya sa mga pinag-gagawa ko. Mas bata
naman siya sa akin pero parang ako yung elementary kid kung mag-isip sa aming
dalawa. Andali ko kasing mapikon at mabilis akong magtampo. Konting minuto lang
na di ako narereplayan, nagiging paranoid na agad ako. Pagnagtetext o tumatawag
ako at di sinasagot, nababaliw ako agad. Nag-iimbento na ang utak ko ng mga kung
anu-anong bagay na di naman nangyayari. Pag na-seenzoned ako sa FB, naiisip ko
agad na ayaw na sakin nung SS ko, na baka naghanap na siya ng iba. Nirereview
ko lagi yung mga huling mensahe ko at ginagawan ko ng iba’t ibang rason kung
bakit pwede siyang magalit dun sa mga sinabi ko kahit parang wala naman talaga
siyang dapat ikagalit. OA di ba? Sa sobrang OA ko, dali-dali kong binubuksan
yung laptop ko, nilalatag yung kumot, at ibabahay yung sarili sa kama habang
nakikinig ng kanta nina Sara Bareilles at Sam Smith. “I’ll bow out of place to
leave you some space for somebody new” yung hinihintay kong kantahin na linya
ni Manang Sara tapos “this hurt that I’ve been through, I’m missing you,
missing you like crazy” naman yung gusto kong tagos sa buto na linya galling
kay Pareng Sam Smith. Pero may huli pa akong kantang dinadagdag dun. Syempre,
Thinking Out Loud. Uulit-ulitin ko muna yung kanta nang isanlibong beses at
hihimay-himayin yung “Kiss me under the light of a thousand stars. Place your
head on my beating heart” tsaka ako iiyak. I-a-unblock siya sa FB, magpapaload,
tatawag, at magpapaliwanag sa lahat ng ka-OAhan, kagaguhan at katangahan ko sa
buhay. Minsan-minsan lang din naman akong nagkakaganito. Mga once in two weeks
lang. Madalas na ba yun? Di ko alam. Antagal na nung last relationship ko
before nitong bago kaya anlabo na ng benchmark. Teka, ba’t parang sinasabi ko
parin kung bakit kami naghiwalay? Pinaliguy-ligoy ko pa. Ang labo ko talaga,
kitam?
Hanggang sa
dumating na talaga yung puntong mas lumalim yung rason ng away namin. Dito na
yung punto na sinabi niyang di siya handang bumalik sa akin at sasabihin na OK
siya. That right there hit me to the bones. Antanga ko. Di ko narealize na not
all people are as resilient as I expected them to be. May konti din naman akong
hinanakit sa kanya. Di niya kasi sinasabi agad lahat nung issues niya with me,
sinasarili niya, hanggang sa sumasabog siya and I can’t put back the pieces
together. Medyo malalim na dito sa part
na ‘to. Pag di ka na nakarelate, balik ka na lang sa dalampasigan, nalulunod na
kasi ako, baka masama ka pa pag di mo na magets, di ka pa naman ata marunong
lumangoy. Ayan, biglang ikaw ang inaway ko na nagbabasa ka lang naman.
Halimbawa yan ng mood swings ko. Pasensya. Pero pag nakita ko ulit SS ko,
sasabihin ko naman yung totoo sa kanya: apologetic ako at napatawad ko na siya
sa lahat ng mga bagay that caused me pain. Sana nga lang ay napatawad na niya
ako.
Ang hirap nga
lang nung idea na magbabagong taon, single ka na naman ulit. Amputek this life.
Yan kasi, tanga sa pag-ibig. Kaya naman di niyo ako masisisi kung bakit gustong-gusto
ko ang English Only Please. Alam ng lahat na mahal na mahal ko si Jennylyn
Mercado pero mas minahal ko si Tere Madlansacay sa movie na yun. Parang lahat
ata ng tao ay makakarelate sa role niya. Medyo masakit na inexpect kong yung SS
ko yung makakasama kong manood pero hindi nangyari. Siya sana yung katabi ko sa
front row seats, or front row porches to be technically specific, sa cinema 6
sa Megamall. Siya sana yung kayakap ko habang kinikilig ako sa mga lines nina
Jennylyn at Derek. Halakhak niya sana ang narinig ko habang pinagtatawanan yung
lalaking biglang umepal sa may swimming pool habang nagdi-date/tutorial lessons
sina Jennylyn. Mahahalikan ko sana noo niya nung umiyak na si Jennylyn habang
muling nagkita sina Derek at Isabel Oli. Oooops, spoiler at PDA na ata to. Ok,
next paragraph na. Hahaha.
Nung
nagkakalabuan na kami, nakakabitter kapag nakakakita ka ng mga magsyotang
nagPPDA. Hate na hate ko yung mga naka-couple shirt. Nakakabanas. Nung dumaan
pa kami sa seaside sa MOA, maraming mga nag-uusap na magkayakap sa may sea
wall. Naisip kong what if itulak ko kaya sila? HAHAHA. Joke lang. Di naman ako
ganyan ka bitter. Pero isasuggest ko yun sa mga brokenhearted at bitter. Push
niyo yan mga kapatid! Hahaha. Ang mahirap lang kasi sa mga sitwasyong ganito,
bigla na lang nababakante ang isip mo at pumapasok lahat nung mga alaalang
binigay sayo nung tao. Ansakit sakit isipin nung mga magagandang memories na
unti-unting pinapalitan ng bad and painful ones in your mind. Yan kasi, may
built-in powerpoint yung mga utak natin, ang galing magslideshow, crisp na
crisp pa yung mga images di ba? High resolution. Tapos wala yung slide na “The
End” or “Thank You” na may kasamang GIF na either cartoon or something na
pambata sa bandang huli. Kasi yung slideshow sa utak natin, naka-repeat all.
Ikot-ikot, ika nga. Ang masaklap pa niyan, kahit na natutulog tayo at dapat ay
nakahibernate na yung utak natin, yung powerpoint nagiging movie maker. Hala.
Bonggang bonggang movies ang ginagawa ng utak natin starring ang mga sarili
natin at yung taong miss na miss natin. Tayo yung direktor at writer eh. Walang
basagan ng trip. Ang gaganda na ng mga eksena, walang sumisigaw ng “cut” tapos feel
na feel pa talaga. Tapos gigising ka. Tapos iiyak. Tapos mag-iimagine na naman.
Tapos maghahanap ng libangan, pero papasok at papasok parin yung mga imahe sa
utak mo. O di ba? Our brain is so powerful. Pero sa exam, di naman gumagana.
Tanong ko rin yan sa sarili ko. Hay pag-ibig.
Nanganganib nang
magtapos ang taong 2014 at mabwibwiset ka na naman sa sarili mo dahil gagawa ka
na naman ng new year’s resolutions kahit deep inside that petty brain of yours,
alam mong wala namang kwenta yung mga yun pero gagawin mo parin, baka sakaling
may pag-asa pa. Kung single ka, gusto mong magkasyota na kasi napag-iiwanan ka
na ng panahon. Kung taken ka naman, pilit mong iniisip kung may problema ba
yung partner mo. Tapos the best time to think about your relationship status is
when you cross one year to another: pagsalubong ng New Year. Yung mga single,
atat na atat magchange ng relationship status sa Facebook. Yung mga taken naman
na tina-tag sa Facebook yung “In a relationship with…” nung karelasyon nila ay
di raw nagtatagal ng isang buwan ayon sa statistics. Natakot ka ba? Hahaha.
Joke lang. Walang ganung findings.
Pagod na rin ako actually kakagawa ng New
Year’s resolution. Tapos this year, magdadagdag pa ako ng bago na may kinalaman
sa pag-ibig. Wala man akong karapatang magbigay ng payo tungkol sa pag-ibig, but
I realized one thing this year: in order for me to love a person
unconditionally, I should know first my own strengths and weaknesses so that I
know where to place myself in a two-way journey called PAG-IBIG. And of course,
always be honest and open. Nadadaan naman ang lahat sa matinong usapan.
O ayan! Nairaos
ko rin ang blog post na ito! Nakakahiya! Hahaha. Ayan, pumapasok na naman sa
isip ko yung SS ko. Tama na nga ‘to. Nawa’y maging mas mabuti at blooming ang
inyong mga 2015!#